Tayo’y Alabok Lamang
Raul Funilasn Hulyo 27, 2006
Habang naglilingging ang munting palayok
Ay namamantilaw ang apoy sa dapog;
Ang abo at titis ay biglang nagdabog
Umangkas sa hangi’t agulong yumapos.
Biglaang humambog ang ibong pangarap,
Kanyang alipato’y dinigma’y habagat;
Nilusob, sinalpok ang kumpulang ulap
Na ang natutulog na ula’y nagulat!
Ulap na natungkab ay biglang nagalit,
Ibinuhos lahat ang kalong na tubig;
Ang balbasing abo at dungisang titis
Muling bumulusok sa banlik at putik.
Buti pa ang uling sa tumbong ng tungko,
Kahit na mapaso ay di kumikibo.
Raul Funilasn Hulyo 27, 2006
Habang naglilingging ang munting palayok
Ay namamantilaw ang apoy sa dapog;
Ang abo at titis ay biglang nagdabog
Umangkas sa hangi’t agulong yumapos.
Biglaang humambog ang ibong pangarap,
Kanyang alipato’y dinigma’y habagat;
Nilusob, sinalpok ang kumpulang ulap
Na ang natutulog na ula’y nagulat!
Ulap na natungkab ay biglang nagalit,
Ibinuhos lahat ang kalong na tubig;
Ang balbasing abo at dungisang titis
Muling bumulusok sa banlik at putik.
Buti pa ang uling sa tumbong ng tungko,
Kahit na mapaso ay di kumikibo.
No comments:
Post a Comment