May Tagas Ang Batas ng Dagat(Sa Lawa ng Laguna)
Raul Funilas Setyembre 8, 2006
Dalawandaang dipa mula sa pampang
Ang espasyong bigay ng pamahalaan.
(Batas ng lawa.) Upang maluwag ang galaw
At magustuhan nitong turistang dadalaw
Sa aming pulo ng Talim.
Hindi dapat
Lagyan ng palakayang kinabiting baklad,
Pante, bubo*1, bombon*2 at skylab**.
MaluwatNamang sinunod nang bawat magdaragat.
Tatlong ektarya naman ang regulasyon
Sa bawat indibiduwal na magkukulong
Ng isda at limang ektarya sa kulumpong
Magbabakas-bakas o iyong korporasyon.
Subalit ang lambatan ng bayan ay butas,
Dahil ang pinuno ang umurak***
sa batas.*1 sinalit-salit na kawayang panghuli ng hipon*2
Mga dulo ng kahoy na binigkis at kanlungan ng hipon at biya.
No comments:
Post a Comment