Narito ka sa aking kuta ngayon...

Narito ka sa aking kuta ngayon...
Ako ngayon si Tata bilang makata
At noon, ako si Raul bilang eskultor.
Malikhain ang diwang naglalakbay
Sa laot ng himpapawid at sa kalawakang
Malao't madali'y mararating ko rin.
Lumililok, humuhulma, pumapakat,
Humahakab, tumitibag ang banayad
Na pukpok ng puntod na moog.
Tinutula ang tubig, lupa, langit at pag-ibig.

Muli, narito ako at magluluto ng ibang putahe,
ang tula sa eskultura at ang eskultura sa tula.
Pagmasdan at basahin ang aking ESKULTULA.

Eskultula Ni Tata Art Gallery

Eskultula Ni Tata Art Gallery
Isang silip

ESKULTULA NI TATA ART GALLERY

Malugod ko po kayong inaanyayahang sumilip sa aking bagong bukas na Eskultula Ni Tata Art Gallery sa #25 -F Holy Spirit Drive, Don Antonio Heights Subd., Diliman, Quezon City. Narito po ang aking mga likhang eskulturang may kalakip na tula.

Pormal na binuksan noong ika-20 ng Abril 2008 nina Director Vim Nadera ng Institute of Creative Writing ng College of Arts and Letters sa UP Diliman at ng pinakabatang Hall of Famer ng Carlos Palanca Awards Roberto T. Anonuevo.

Invited guests sina Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura Virgilio S. Almario at Pambansang Alagad ng Sining sa Eskultura Napoleon Veloso Abueva.

Dumating din ang grupo ng mga makata,manunulat at artista sa pinilakang tabing sa pangunguna ni Orestes Ojeda.

Lumagda sila sa isang antigong dulang na ngayon ay naka-ukit na ang kanilang iniwang bakas sa nasabing dulang.

Lahat nang nais dumalaw sa kuta ni Tata ay mangyari po lamang na mag text sa 0920-9077132 upang makipagtipan sa inyong lingkod.

D2 mo tunghayan ang aking mga likha

Ribbon-cutting ceremony

Ribbon-cutting ceremony
VimNadera, Bobby Añonuevo, Tata & Dra. Villeza

Wednesday, October 19, 2011


Nagbukas ang Ciento Cingcuenta sa Pinto Art Gallery sa Antipolo City noong nakaraang Linggo (Oktubre 16, 2011 at magtatagal ng isang buwan), lahat ng painting, drawing, sculpture ay hinggil kay Rizal. Ito'y sa pangunguna ni artist Ruel Caasi isandaan at limampung artista ang lumahok dito kasama ang inyong lingkod.

No comments: