Pagkalipas Ng Huling Hapunan
Ni Raul Funilas
Pagkalipas ng Ating Huling Hapunan ay Tayo'y magsasaya.
Pagsalu-saluhan Nating kaini't inumin ang tinapay at Coca-Cola,
Magpakabusog sa ibabaw ng ating lamesa ng handang meryenda;
Sa ilalim ay may isang kahong nakahanda at tila tinitira na
Nina Hudas at Bartolomeng sabik sa San Miguel Beer na serbesa.
Note:
Ang pinaglilukang kahoy ng eskulturang ito'y tinatayang nasa humigit kumulang sa dalawandaang taon na. (200 yrs old)Galing sa ginibang pabahay ng mga kawaning nakatira sa Balara Filters Plant Sa Bgy. Pansol, Diliman Quezon City
Sunday, June 8, 2008
Holy Family
Bromeliad
Lady of Fortune
Habang napupuno ng ligaya ang aming puso dahil sa iyong pag-aandukha'y bumabalong ang biyayang nagmumula sa Panginoon. Balon ka ng buhay at ang kipkip mong kabutiha'y bumabalong ng kasaganaan. Sa iyo namin ipinagkakaloob ang munting kayamanang ibinabahagi mo sa libong kapus-palad. Ikaw ang daigdig ng pinagpala, ikaw ang mundo ng makinang na pangarap habang ang daigdig ay daigdig at habang ang mundo ay mundo. Marangal ka sa ibabaw ng lupa at maringal na pag-ibig sa langit.
The Original Balanggiga sculpture
Ang eskulturang ito ang orihinal na pinasinayaan noong Sertyembre 29, 2003 sa Balanggiga Samar. Ipinagawa sa akin ni National Artist Napoleon V. Abueva ang walong piraso ng eskultura kung saan panay sila Amerikano. Ang nakikita sa larawan ay ang pagtingala ng sundalo sa umatibangaw na kampana na siyang hudyat upang lusubin ng mga Pilipino ang pitumpu't limang sundalong Amerikanong nasorpresa habang sila'y nag-aagahan.