Sunday, June 8, 2008

Bromeliad


Tatlong umaga at tatlong dapithapon

Ang pag-arugang aking ginugol,

Taimtim kang itinanim ng aking puso

At dinilig ng walang hanggang pagsuyo.

Rilim at liwanag ang nagpabukad

At nagpabango ng sambuntong halimuyak,

Uugatin kong huwag kang malalantang

Lipos dahil ikaw ang itinatangi ko't sinta.

No comments:

Post a Comment