Sunday, June 8, 2008

The Original Balanggiga sculpture


Ang eskulturang ito ang orihinal na pinasinayaan noong Sertyembre 29, 2003 sa Balanggiga Samar. Ipinagawa sa akin ni National Artist Napoleon V. Abueva ang walong piraso ng eskultura kung saan panay sila Amerikano. Ang nakikita sa larawan ay ang pagtingala ng sundalo sa umatibangaw na kampana na siyang hudyat upang lusubin ng mga Pilipino ang pitumpu't limang sundalong Amerikanong nasorpresa habang sila'y nag-aagahan.

1 comment:

  1. tata Raul,mabuhay po kayo tunay pong kayo ay alagad ng sining,napakagaganda ng inyong mga obra.

    ReplyDelete