![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiLh-gHK2tLJl5SbvHLpHRq2yJ4lSlbMzl0u8BY_zn6LpEK4WA0h4NxKJ_LNQ_R-NHwmkwdv2IXRBhwT2C_7PVB004B-Sk3n38F0Oui4EYYXzZbYU9QFjYHV5eGPwiNdUXTWiGW0fG0viNv/s320/06012011353.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhKjSXiaojPzyTOPSdu6JJoVzoIz-bDD2sthHwOFOXS1OBkPOdjaHh22zT7XOAtKGEGZ5BTatQsEzUlOxqFtS46aIJPEgIa-XMeFcifx0K0_RqEVQ0KqkWIh5B8NZt_23-2tsHnBCfgqqGW/s320/10152011958.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgT5zM9Swk14arTfqZUIjIM81PCoRGZqgPOtBLb1AS-O0JymwRXuF3iaEpHP34csxPhDGc9kYRLSHx7-MrxTQELDQe7c7awSlJnIH3JvmL1GyrJTlmMpyhoUiHxjmaZxgALVPpOqTPvHHaV/s320/09112011854.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhOdAxtEyLUb-0p6ENvXOqwpSDKATHxpDlkhb8CYGaUIo3XHywwHxePZRTo_eIYLgDoBobvo2L4pZbUgy5mFSUkA5bIxLuyqsDHZ449XOb1DXHkm8ZSTuMwSbp3QYiIRvPJAVV1Qja9NavV/s320/Credo+sa+Kuta.jpg)
Saktong animnapung taung gulang ang edad ko noong nakaraang Agosto 8, 2011, parang bumubulong sa akin ang isang guniguning may labit na kudyapi at sumusones ng mga himig na naka-aaliw sa aking ulinig. Tulong na sumasalong sa aking mga palad ang amihan at habagat. Umaawit hinggil sa tubigan, hinggil sa papawirin, hinggil sa kabundukan, hinggil sa pag-ibig. Narahuyo akong maglamas ng pikat at dumaras ng palanas hanggang sa sinutsutan ako ng salamin. Bubog ang linaw, nagsasapirot' diamante. Hanggang nakipagtitigan ako sa aking sarili, matagal na matagal. Binilang ko ang gatla sa aking noo, binilang ko ang bigote at balbas, at pinalitaw ko ang isang panghabangbuhay na napakatamis na ngiti. Natatapos umawit ang guniguni'y nakikita kong lumuluwal ang aking kakambal.
Pinaswitan ko't pinababa ang isang moog sa kabundukan, pinaswitan ko't pinalipad ang masasamyo't mahalimuyak na bulaklak, pinaswitan ko't pinalawit ang pinakamarikit na tala at ini-andas ko ang lumuwal kong kakambal at nilagyan ko ng isang Credo:
Kuta ni Tata Raul Art Center
Bgy. Tabon Mainit, Binangonan, Rizal
"Sa Gulong ng alon at bugso ng hangin,
Sa konting tiyaga'y makararating din."
Makata
Eskultor
Artista
Mangingibig
Ama
Inmortal
Moog na ipamamana ko sa aking mga anak at apo.