![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhSD-anWhcaUqqtQ8j7qUn2NdT3_1wOHOePkKfOIDge8UIgQGUhmkuFP3daU5s6TO_l3RIH1HwGB98cq5ejp9oY1awS8F5RKL-CqxkfTU-8467a4VAq9fXbgd2jJsnJQ2bSER8hQCAIIfqq/s320/120620111250.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiuAMk0B6-j81cgiHDjsKxMcud5L3ID1wm0FGly8q9-33nf6HV9-WNRYXYUB3H7vvPHDx_o8PGuLD3NHJx0rc8nwjmxLs6KGMXBj4tLw6ozyY9Xc0QAQ0NXqb9d-nQazaeQr3kOGSAi2KEz/s320/120620111227.jpg)
Muli, hindi inaasahang mapiling muli ang aking katauhan upang i-restore ang mga eskulturang nasira sa University of the Philippines Integrated School.
Kasalukuyan akong nagsusulat ng isang tula nang dumating sa aking opisina si Dr. Gabriel ''Gabby'' J. Paz, pangulo ng Veterinary Practitioners Association of the Philippines (VPAP) na siyang naatasang humanap ng isang eskultor na gagawa sa mga nasirang eskultura sa UPIS na ililipat sa loob ng Pamantasan ng Pilipinas mula sa ngayong kinalalagyan nito sa Katipunan Ave. tapat ng Bgy. Pansol sa Balara.
Dumating sa aking munting galeriya ang nasabing eskultura na walang paa at binti si Neneng Banga.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqHPm11L428XJvIOn4sUgEboo-zvuor0Zcy3XD1VpPHya_z2UP64IKKwpn_2CjZXaXctKdJQ2tBwk20k0mOCwtg-A2zNh8XdPD6k_tA7OihPRb95_RqeK7eX92yFZoTay5JVtdBNxhRzWL/s320/120120111182.jpg)
Si Ming Naman ay walang mukha at lagtas ang dalang lotus. Sina Urbano'y putol ang kalahati ng katawan at tatlong dali ang kapal ng putik at lupa.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhulLGNh5ArVvB5-bkaHE7NPPymJ5s59n5hHAanza3bLn5aRBuqGAVwyx_R0mouWdct9sEoQPtXsjNF7NvlFDiBb6h0d43xVIkbVNYdbukGwFvyNCifu5i58WB7jWhvRd7WJ_U-fgCzbL4Q/s320/Upis+Ming+intsik.jpg)
Nakagugulat nang linisin ko ang mga nasabing sirang eskultura na diumano'y gawa pa noong dekada 50 ng hindi nakilalang eskultor. Nabura na ng panahon ang mga pangalang nakaukit sa mga rebulto Gawa sa marmol ang mga obra at ayon sa ibang kasamang eskultor ay "baka" ito'y mga lilok ng mga dakilang sina Guillermo Estrella Tolentino at Anastacio Caedo na siyang lumilok ng mga mahahalagang eskultura sa University of the Philippines. Pinangalanan nila itong sina Neneng Banga, Ming, Urbano I, at Urbano II . (dadalawa na ang natirang duwende sa orihinal na pito)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEidUntt9jWXae-t8hi3CB0XoZdalJarTtvK9Nl6G4PH9QRgdSitlfljsKAhIMHHgN8C1v3K1wzn-CS3z2dN-ZaN9lEq6cfch01gnSK_7KRY-ZBHDYrVNkby66RgfalM4VDrYpOhxZt15Vju/s320/120620111224.jpg)
Hindi nabigyang pansin nang mahabang panahon ang mga eskultura dahil sa mga bahid nitong iba't ibang kulay, napag-alaman kong halos may limang patong na ang kulay nito at natabunan ang kagandahan ng angking marmol. Nagdaan din ang obra sa prosesong model clay, minoldehan at binuhusan ng silicon marble at white cement.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhp_LjFkd71bw2uqSg8h2cOK1WpyeM4CuvzaR2pHJUkQmvOC7NpaFwtw_kWsK285xfceukoklH58Lrfr_-idboKqeQRUWDEXcHE1qIeZ8Sj-1-nYGgpt-dufA22p82CkFAsC2P4hO1z7pA6/s320/120120111178.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi1RLgT40iT0ZR9KlQXMkICqZxZZERUxqwcqNx-FuYdMBTmdUHOgkHzxY6Dn2oUmnIbLQO7vJsPc95cE9p7EbdV4o8Tl5Y4mo5bjr2OpCEr69crpLGh3dAS6prx-ZLCo4GH4FiIy48_tNQs/s320/120420111196.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjPMakTJzzcMwbOC0n_eWhE_lmmpy1JbkL42KwwYXQFBIoPpBM4C8DaqKC_ZsJw782D607OLTYNLB7gN62pPCKSD5GFkd_TEp1WVuQy24iLBIGHhLU7wNVxpKag9NrzN0H_DtoS8lZusH6z/s320/120520111204.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj4cttYREPcqP8x-GFSxmNbSsKjh5njrBSY8vKwB_PGCl2vZjtljIKeWGQzpHZ7SIErR8ARBygTwUmul_sEOi6ooflULh3EE9ssnzt_8rsa-IRnRFzJQWXVEcBwiIn27hrjkbwenSUXPB12/s320/120620111212.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh0bJX9LTEmlva_twX3OQ_uBO8GmZ3LjPp2F6GzpDB1UxIkDABfE6vXkRpo7LMcAlsyUorTKAL0-SZgVjjjkZzycfzpzIjg-3ETbCNXVBqC_pZSZLAHkcvnc2HOWBqvhA4KPgY4dsu5vRRN/s320/120620111236.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhbSEN8rJc0DswSvvCUVE0e24b3AtiU6F3Vd5Wd7I4YvK7nSMaBt1PcPBRWOkica5guttJIcE_d_B8eijK0zzSDqoETTdS7tZ41nw93760fSn_YEMz-trbxwUruBn4r6KVKWAZ_C2hUd2mF/s320/120620111223.jpg)
Higit isang linggo ang ginasta ko upang maibalik sa dati ang apat na pirasong eskultura at ito'y kinulayan ko ng mistulang antigo ayon sa kanilang edad. Masuwerte ako dahil ito'y pangalawa ng karangalan sa aking pagkatao bilang isang eskultor mulang masimulan kong i-restore ang isang busto ni Leon Maria Guerrero na gawa sa Plaster of Paris ni Guillermo E. Tolentino noong 1953 na natagpuan ko sa isang basurahan sa UP. Isang pagpupugay ang natanggap ko sa mga anak at apo ni Leon Maria Guerrero na sina Chitang Guerrero Nakpil at Liza Nakpil.
Sa darating na Sabado, (December 10, 2011) may Last Fairwell Affair sa UPIS ang Batch nina Dr. Gabby J. Paz, Teresita de Villa,(dating Principal ng UPIS) Gigi Viloria na siyang nangasiwa upang maibalik sa dating anyo ang mga eskulturang nabanggit.
Halina tayo at samahan natin sa tagay sa Sabado ng hapon ang mga dakilang nagpunyagi upang maibalik sa dating anyo ang mga nasirang rebulto sa UPIS.