![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh79GrF0bc7hv47wsLqSb5xStDr8J9O1MEagxquNA0xYASV6ZXn4RphL2WctnOjANRM9J-TZ3qjZ2TzCeXA27QnyDUfkMZ9WZ68jk_qVkflsSI3oJ2MpIqt91RcLLlDD_EsEUZd8WVF2LUj/s400/kuta.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiZP5Klrwi5Q4_nf0GF8woRT-fSMZOauwot8I7PLDheMaj5U_DBxzqE-DAO0nWuIPVZWfYs_rxfNRkED8zeulddwXDwdIBmArZDyPaqe7FnAOb7N9_tD8whU60Nsa4rMZlFiay-G4uQl3qM/s400/bahay.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjabTXvJ_WpzkTeRcPp8LjLaMvy16FhfBx8yq_VZJE55xGr594ZzFWajtvQg-YLo0HyiakNPnoaOSpmV0Y3DMtdQf6Inc7V-vLre7tYhiIwmEqnBLh_kqM_JVY3GMFsl5HT679RdnpBIZF_/s400/nitso+ni+tata+sa+kuta.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgJMuGXtOTqElLTWDoddF6Z7zQ2BJFhZctYkZcdCtyla9LXOfLwNKBJedadrftrq0Wrv-z4gGDzoblh-T_JgtqboatQ8KtDwF-NT8QCoDbHeG1VSNgrCFjVzuz67y4rzDF0Zj5KeREPP2KU/s400/IMG0022A.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh_ig7oGpGK1qJM9E1CFA6dM_ag9lnI17rAu87-nmMQmbg7P74UFKwK4ulzAsOG8q4A37t5ZUvqnS8vwWECZbarLpNrmhuSFRk6NcrKwby_8qUFQLpMYtdzJdYPzFzQ-XL5F1JNPz5LNOCT/s400/tata-bust.jpg)
Sampung taon ang lumipas matapos kong bumili ng isang solar sa isla ng Talim ay nagpapulak ako ng labintatlong malalabay na kawayan sa dalisdis at parangan ng bundok Mabilog sa sityo Tabon Mainit sa isla ng Talim upang ituray ang isang malaong pangarap, ang makapagtayo ng isang art center sa isla ng Talim kung saan ako isinilang.
Sa pagpapakis-pakis ng pangarap at pagtutulong-tulong ay napasimulan ang isang Kuta noong Oktubre 2, 2008. Malaking kantidad nang ginasta rito ay ang palipad-pera ng aking Dayunyor na nasa Australia. Saktong isang buwan natapos ang kabahayan ng Kuta at sa painut-inot na pag-uuwi ng mga nililok kong eskultura ay nagkahugis ang aking itinayong Kuta.
Una kong ginawa ang isang live mask na semento at itinuray ang isang iisandaaning taong gulang na mulawing nahingi ko sa isang pamangking nagmana nang ginibang matandang bahay at ang pinakapahalang para maging Kurus ay isang metrong yakal humigit kumulang na galing naman sa mga labing tatal ni Napoleon V. Abueva noong ako'y gumagawa pa sa kaniya mga taong 1970's.Isinunod ko ang paggawa ng isang nitso at inilagay ko sa loob nito ang aking bangkay na semento.
Ginawa kong art ang hinukay na tuod ng kawayan, pinagpatong-patong ko ito upang maging isang drift-grass upang mataniman ng halamang bromeliad at mga ligaw na halamang namumulaklak tulad ng buntot-kalabaw o tikiw at ulikbangon.
Saktong tatlong buwan nang pasinayaan at gawaran ng bendisyon ng Kura-Paroko ng San Francisco de Assisi at Santo Domingo Quasi ang itinayo kong Kuta kung saan ay nagpadugo ng isang kambing at isang baboy. Ipinabatid ko sa Paring nagmisa ang aking layunin sa aking Kuta kung saan buong giting niyang pinuri ang aking itinatag na Kuta, higit ang nitso na siyang pinakasilbing entablado.
Dito nalantad sa mga taga nayon at kadatig pook ang aking ginawang nitso na may sarili kong bangkay. Dinadayo nila ang nasabing nitso upang tingnan ang isang arteng kakaiba.
Kaya mga kamakata, ka-eskultor, halina kayo't buhayin natin ang sining at arte sa pamamagitan ng isang malikhaing pagpapakita sa ating mga nakatagong wido upang sumigabong higit ang mundo nating ginagalawan.
Tula nang tula!
Lilok nang lilok!
Mula sa Kuta ni Tata Art Center sa isla ng Talim
6 comments:
kamusta po? college student po ako na gagawa ng documentary tungkol sa isla Talim... nakakatuwa po na may isang 'artist' na katulad ninyo sa islang ito =)
kung papayag po kayo, gusto ko po sana kayo ma-interview =) pwede po ba malaman saan kayo pwede ma-contact kung sakali? thank you po!
Basta sa ika-babantog ng Isla ng Talim, pwede mo akong mainterview. I text o tawagan mo lang ako hija sa cf number ko: 0920-9077132
Maraming salamat
hi sir! hope you could check my blog po.. thanks tata raul =)
kamusta po!
ako po taga kabila naman. Ngayon ko lang narinig ito. Nakapunta na rin ako sa tabong mainit pero hindi ko po nabalitaan na may ganitong art center. Mabuhay po kayo tata raul.
Taga saan ka sa Cardona King?
Bago lang tayo ang Art Center ko...
Tata
Kung taga Tuna ka may tiyo ako dun, kung taga Lambac ka meron din, kung taga Balibago meron din.
sa balibago po. may kaklase nga po akong Funilas na tga tuna.
May kilala po ba kayong Cruz ang apelyido na nagtrabaho sa UN at sa Landbank? Yung may ari po kasi ng dorm ko, nakwento sakin na may kilala siya na tga isla na Funilas ang apelyido.
Post a Comment