'Susmaryosep!Bukod Kayong pinagpala
Sa lahat. Anino ng isang hiwaga
Ang pagbubuntis ng kasintahang
Hindi pa nasasaling at nagagalaw.
Binubulungan mo ang martilyo at pait
Habang ang kauli'y matamang nag-iisip.
At lumuwal ang tutubos sa sala ng tao-
Ang Bugtong na Anak na Hari ng mundo.
No comments:
Post a Comment