Ako ngayon si Tata bilang makata At noon, ako si Raul bilang eskultor. Malikhain ang diwang naglalakbay Sa laot ng himpapawid at sa kalawakang Malao't madali'y mararating ko rin. Lumililok, humuhulma, pumapakat, Humahakab, tumitibag ang banayad Na pukpok ng puntod na moog. Tinutula ang tubig, lupa, langit at pag-ibig.
Muli, narito ako at magluluto ng ibang putahe, ang tula sa eskultura at ang eskultura sa tula. Pagmasdan at basahin ang aking ESKULTULA.
Eskultula Ni Tata Art Gallery
Isang silip
ESKULTULA NI TATA ART GALLERY
Malugod ko po kayong inaanyayahang sumilip sa aking bagong bukas na Eskultula Ni Tata Art Gallery sa #25 -F Holy Spirit Drive, Don Antonio Heights Subd., Diliman, Quezon City. Narito po ang aking mga likhang eskulturang may kalakip na tula.
Pormal na binuksan noong ika-20 ng Abril 2008 nina Director Vim Nadera ng Institute of Creative Writing ng College of Arts and Letters sa UP Diliman at ng pinakabatang Hall of Famer ng Carlos Palanca Awards Roberto T. Anonuevo.
Invited guests sina Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura Virgilio S. Almario at Pambansang Alagad ng Sining sa Eskultura Napoleon Veloso Abueva.
Dumating din ang grupo ng mga makata,manunulat at artista sa pinilakang tabing sa pangunguna ni Orestes Ojeda.
Lumagda sila sa isang antigong dulang na ngayon ay naka-ukit na ang kanilang iniwang bakas sa nasabing dulang.
Lahat nang nais dumalaw sa kuta ni Tata ay mangyari po lamang na mag text sa 0920-9077132 upang makipagtipan sa inyong lingkod.
Mil nueve ciento sincuenta pa ang Ligaw Na Diwata sa Timog. Isang malaking trosong nililok ng isang dakilang eskultor noong dekada 50 at suwerteng naligaw sa bupete ni Atty. Redemberto R. Villanueva na isang patron ng mga eskultura at iba pang arts. Na-aagnas na ang kaniyang dibdib at palda, kulang na ang mga daliri ng paa at kamay. Marami ng gahi ang pagkakahoy at halatang kinain na ito ng kalikasan. Ipinatawag ako ni Atty Dem upang i-restore ang nasabing Diwata at sa loob ng kulang dalawang linggo ay muling nabihisan ang "ligaw na Diwata". Pinangalanan ko itong Claudia dela Rosa. Tuwinang Biyernes ay may nagaganap na tsibugan, tagayan at kantahan sa bupete ni Atty. Dem at dito'y maraming eskulturang nakapalamuti sa maluwang na penthouse. Karagdagang tanawin si Claudia dela Rosa sa pingkian ng kopita at baso ng mga tarikang abogado at mga artistang dito'y naliligaw. Walang masamang tinapay kay Atty Dem, basta tao kang pumunta sa kaniya ay tao kang haharapin, pakikisamahan, makikipagtagayan, at higit sa lahat down to earth ang kaniyang ugali...madaling lapitan sa mga kailangang tulong. At abangan ninyo ang kapatid ni Claudia na kasalukuyan ko ding binibihisan...wala siyang saplot kahit isa sa katawan...hehe, alam nyo na iyon. Wow!!!
Eskultor, makata...
Isang mangingisda sa lawa ng Laguna at isang mangangahoy sa isla ng Talim... natutong lumangoy sa saha ng saging hanggang sa sumapit sa malikot na lungsod at doon nanudla ng mga talinghagang nagbitin sa langit na walang ulap. Natutong lumilok ng mukha ng buhay, gamit ang kahoy, putik, tanso, at iba pang bagay-bagay na malimit itapon sa basurahan… Kasabay ng pag-inog ng mundo'y patuloy na lumilikha ng mga larawan ng kahapon at lumililok ng pangarap sa kinabukasan.
You are cordially invited to visit my Eskultula ni Tata Art Gallery (poetry and sculpture) featuring my wooden sculptures, bronze, metal, plaster of Paris, mixed media, death masks, live masks, concrete and wooden busts, retablo, religious images, wooden frames and antique collections.
Ang una kong libro
Halugaygay Sa Dalampasigan-mabibili sa National Book Store at UST
Sabi nila...
"Inihuhugis ng Halugaygay sa Dalampasigan ang mga larawan at anino ng Isla ng Talim, at nagpapanukala ng ibang pagsipat at pagdama sa likas na kaligiran. Sa matimyas na pananaludtod at matalas na paggamit ng taal na dalumatang-bayan, iniangat ng makata ang Tagalog-Rizal sa karapat-dapat nitong pedestal, at siyang ipinaliwanag sa pambihirang kritika ng tarikang si Roberto T. Añonuevo."
Si Tata Raul Ang tinig ng Talim Ang tinig na matalim. -National Artist Virgilio S. Alamario
"Si Tata Raul ang makatang nagpapatindi sa pagkauhaw natin sa mga susunod pang tula..." -National Artist Bienvenido L. Lumbera "Nagbalik at bumangon ang antigong kudyapi ng bokabularyo ng Binangonan sa Paghuli ng talinghaga ni Tata Raul Funilas. Malusog na ani ng LIRA sa lingguhang palihan sa pagsulat ng tula."
-Teo T. Antonio
Eskultor sa kahoy at sa tansong pula Ngayon ay makatang panday ng haraya; Ayaw manalibsib, hangad ay sumisid Sa pusod ng diwa sukdang mangaligkig. Pait man o pluma ang tangan ni Tata Ang timo ay tagos hanggang kaluluwa.
-Abdon M. Balde, Jr.
"Rara Avis si Raul Funilas. Nakapanabayan niyang lumipad sina Guillermo E. Tolentino, Carlos"Botong" V. Francisco, Napoleon V. Abueva bilang eskultor/pintor at si Virgilio S. Almario bilang makat. Kung magpapatulay siyang pumailanlang, maaari rin niyang maabot ang kaluwalhatian ng mga Pambansang Alagad ng Sining."
-Vim Nadera
"Para kay Tata Raul, at sa marami mo pang tagumpaysa paghawak ng talinghaga. Si Tata ang lantay na Makata ng Tubig." - Ligaya Tiamson-Rubin
Isang Sulyap Sa Aking Ama
-
This is my father’s photo. But it doesn’t capture all the memories of him
that flood my mind when I think about him. Let me tell you a story… thru
picture...