![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgG6LGPak3CHi5YT8UOIkKoMu-AGnkZSIEzKsqlMRkw9gBzthU6JP9MAIOU30Sz7ZNCLGefFejT-2X4NP4Lxm8Ls5ywyROAw4vzSKmzLrx09KeS0XbGVTg68M7kD06-1kN9g06ZBaYsBtiS/s320/12012009(017).jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiYoKUe1cXM6T68419nnnt1zJGxcXFxnTPMzg9Z6TL9lPdMDTCNKdBEeOgeSglad11ti38qXQ5OlfT1WiC3tw2zt6WYdwZ6B-4DqBysCQXnhf3cgGLt-Z1QzoyzfUQlUESMItF8yC_z2Ci2/s320/12012009(013).jpg)
Malikmata sigurong matatawag ang nagaganap sa aking sarili.
Isang pulong ang itineks sa akin ni Madam Eva Cadiz ng UP- Institute of Creative Writing (UP-ICW) at pinapupunta ako sa isang coffe shop na nasa pultahan ng Vargas Museum sa loob ng UP-Diliman Campus.
Una kong dinatnan si Maam Eva, sumunod si Prof. Vim Nadera ng UP-KAL at ang huling dumating ay si G. Martin Z. Lopez na Executive Director ng President’s Committee on Culture sa Far Eastern University (FEU) sa Morayta o Nicanor Reyes St. Maynila. Pinag-usapan nila ang pagpupugay sa limang (5) Pambansang Alagad ng Sining na buhay pa sa katauhan nina: Virgilio S. Almario, Jose Sionil, Romero, Edith Lopez Tiempo at Alejandro Reyes Roces.Sa pag-uugnayan ng Likhaan-UP Institute of Creative Writing at National Commission for Culture and the Arts (NCCA)
Dahilang naigawa ko na ng mga rebulto sina Almario at Tiempo, nagustuhan nilang ililok ko si Alejandro R. Roces ng busto na siyang itatampok sa pagpupugay na gaganapin sa FEU sa Disyembre 1, 2009. Nang magkasundo kami sa mga parakisa ay hindi na sila nagpatubaytubay at pinagpakispakis ang sang-ayon. Tatlong linggo ang ginasta ko upang tapusing lilukin ang 35 pulgadang synthetic marble bust with gold dust finish ni ARRoces.
Nang pa-aprubahan ko ang modeling clay thru email and celfone sms ay pinapirma ako sa isang kontrata at ipinakita nilang kasama ako sa programang gaganapin at pinakatampok ay ang pag-a-unveil ng busto. Ika-anim nang umaga, Disyembre 1, 2009 ay dinaanan nila ako sa aking munting galeri at sabay-sabay kaming nagpunta nina Ser Vim Nadera at Maam Eva Cadiz sa FEU upang parausin ang nasabing pagpupugay kay Pambansang Alagad ng Sining sa Literaturang Alejandro R. Roces. Halos maiyak na niyakap ako ni ARR nang makilala ako at niyaya pa akong magpakuha kami ng larawan.
Doon ko nalamang ang may-ari pala ng FEU na si dakilang Nicanor Reyes ay kapatid ng ina ni Alejandro R.Roces at naging Guro at Dekano din si Roces sa Arts and Letter at naging Editor ng pahayagang Advocate sa nasabing paaralan at nang maupong pangulo si Diosdado Macapagal ay ginawa siyang Kalihim ng Edukasyon.
Tagumpay na matatawag ang nasabing pagpupugay dahilan sa nilahukan ito ng mga matatandang guro ng FEU na ang bawat isa’y may dalang kani-kaniyang kuwento hinggil sa kabutihang loob ng simpatiko at guwapitong si Pambansang Alagad ng Sining sa Literaturang Alejandro Reyes Roces.Higit na masigabo ang palakpak ng mga estudyanteng nanghihiram ng mga kislap at ningning ng mata sa walumpu't anim na taong (86)gulang na si Alejandro R. Roces