
Banog
Bumukas ang iyong pakpak
Dahil ikaw’y naghahanap
Ng pagkain ng ‘yong anak
Na tuturuan paglipad.
Bumaba kang sumisisid,
Ang inahe’y naligalig
Ng sisiw mong dinadagit;
Ang pakpak ang itinakip.
Libong taon kang lumutang
Sa lawak ng kalangitan,
Sa lahing ibon ng bayan;
Hari ka kung tagurian.
Kakak mo ri’y umiiyak
Pag sa hawla ka’y nasadlak.
Bumukas ang iyong pakpak
Dahil ikaw’y naghahanap
Ng pagkain ng ‘yong anak
Na tuturuan paglipad.
Bumaba kang sumisisid,
Ang inahe’y naligalig
Ng sisiw mong dinadagit;
Ang pakpak ang itinakip.
Libong taon kang lumutang
Sa lawak ng kalangitan,
Sa lahing ibon ng bayan;
Hari ka kung tagurian.
Kakak mo ri’y umiiyak
Pag sa hawla ka’y nasadlak.